Ama, narito na po kami
Mga lingkod mong pinili
Handog namin ang aming sarili
Na sa Iglesia mo’y manatili
Ama, laganap dito’y pagsubok
Ngunit di po kami natatakot
Mga aral mo sa ami’y nagdulot
Ng tiwala siyang magbabakod
Koro:
Ama, tapat kami’t masunurin
Binubuhay aral Mo sa amin
Hanggang wakas ito’y susundin
Utos Mo’y iingatan namin
Ama, kapag kami’y ‘yong kukunin na
At mga anak nami’y maiiwanan pa
Paki alalayan po huwag mapariwara
Upang sa langit kami’y magkita-kita
Ama, laman ng aming puso
Ikaw po nakababatid nito
Tunay ang layunin namin, opo
Tanggapin paglapit namin sa iyo
(ulitin ang koro)
No comments:
Post a Comment