Click to Listen: http://soundcloud.com/masidacoustic/kayang-kaya-kahit-ano-pa-yan
OK lang kung minsan
Nakadadanas ng kalungkutan
Nagigising ang isipan
Sa katotohanang dinaraanan
OK lang kung minsan
Pagsubok ay maranasan
Sadyang ganyan ang kapalaran
Dadanasin kahit sino pa man
Koro:
OK lang na kalimutan
Suliraning walang katapusan
Ngunit, bumangon na at labanan
Kayang-kaya kahit ano pa 'yan
OK lang ang lumuha
Sa lungkot man o sa ligaya
Huwag nang ipagtaka
Sapagkat ganyan 'yan talaga
OK lang na layuan
Kung pansamantala lamang
Pagkat di mawawala yan
Hanggat di ito na su-solusyonan
(Ulitin ang Koro 2X, tapusin ang awit)
No comments:
Post a Comment